Kahit ano pa ang sa akin ay gawin
Dahil mahal ka’y handa kong tiisin
Kahit mo saktan, 'di ko papansinin
Ang pagluha ko’y huwag mong intindihin …
Ang pag-ibig daw ay krus na kay bigat
Ang layuan ka’y payo nilang lahat
'Di ko magawa, mahal kitang tapat
P. S. I love you
'Yan ba’y 'di pa sapat? …
Chorus:
P. S. Mahal na mahal kita
P. S. I love you walang iba
At huwag kang mag-alala
'Di ako padadala
Sa sinasabi nila sinta …
Kung mangyari man, mayro’n kang mahalin
Na sa tingin mo’y higit pa sa akin
Magpakailanman, puso ko’y tanungin
P. S. I love you, magpahanggang libing …
(Repeat chorus & last stanza)
Coda:
Magpahanggang libing …